Buong Atensyon
Tila nailalaan na natin sa teknolohiya ang maraming oras ng ating atensyon. Lalo na sa paggamit ng internet. Nagagawa kasi nitong pagsama-samahin ang lahat ng nalalaman ng tao sa isang iglap. Pero ang patuloy na paggamit nito ay may masamang epekto rin sa atin.
Sinabi ng isang manunulat na nagdudulot ng pagkabalisa ang laging paggamit ng internet upang malaman kung…
Matibay Na Pundasyon
Marahil narinig mo na ang tungkol sa Leaning Tower of Pisa na nasa Italy. Pero, alam ba ninyo ang tungkol sa leaning tower ng San Francisco na nasa U.S? Kilala rin ito sa tawag na Millennium Tower. Napakataas nito ngunit bahagyang nakatagilid.
Hindi raw sapat ang hukay para pundasyon kaya ito tumagilid. Kaya naman, mapipilitan silang ayusin ito sa halaga…
Alam Niya Lahat
Pasakay na ako sa aking kotse nang mapansin ko na may nakabaong pako sa isa sa mga gulong nito. Inakala kong sasabog na ito. Laking pasalamat ko na may pansamantalang nakatakip sa butas na iyon.
Habang papunta ako sa bilihan ng gulong, napaisip ako, “Ilang araw o ilang linggo na kayang nakabaon ang pakong iyon? Gaano katagal na kaya akong nailalayo…
Tay, Nasaan ka?
“Tay, nasaan ka na?” Nasa bakuran na ako ng aming bahay nang tawagan ako ng aking anak. Kailangan ko kasi siyang ihatid ng alas sais ng gabi para sa kanyang pagsasanay. Dumating naman ako sa tamang oras pero halata sa boses niya ang pag-aalinlangan kung aabot ba ako sa oras. Sagot ko sa kanya, “Nandito na ako, bakit hindi ka nagtitiwala…
Huwag Kang Bibitaw
Noong nagdiwang ang aking biyenang lalake ng kanyang ika-pitumpu’t walong kaarawan, may nagtanong sa kanya ng ganito, “Ano ang pinakamahalagang natutunan mo sa iyong buhay?” Sagot niya, “Huwag kang bibitaw.”
Maaaring napakasimple lang ng sagot niya para sa atin pero malaki ang naitulong nito para sa aking biyenan. Ang mga katagang iyan ang nagbigay pag-asa sa kanya sa halos walong dekada.…